![]() |
Ang Mega Rehabilitation and Treatment Center sa Nueva Ecija. Photo: Rappler |
Yan ang lagi sinasabi ng boss ko dati sa Pilipinas. Ang anumang aksyon na walang maayos na pagpaplano, siguradong pagsasayanglang ang mangyayari.
Isang halimbawa ay ang 10,000-capacity na rehabilitation center sa Nueva Ecija. Ang 100,000 square meter o sampung ektarya na drug rehabilitation center ay idinonate ng isang intsik. Sabi nga ng Dangerous Drugs Board boss na si Gen. Santiago, na-excite lang daw si Duterte.
Nang dahil dyan sa sinabi ni PDEA Chief Santiago, siya ay nasibak sa position kahit na ito ay itinatanggi ng Malacanang. Pero sa Pangulo, sinabi nya na na-offend sya sa sinabi ni Santiago.
Mahaba haba pa ang panahon para maisaayos ng administrasyon ang mga problemang kinakaharap ng bansa. Sana ay maayos bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte.
“Impractical. That was a mistake,” he said. “The President was excited [by the project], but money spent building that could have been spent for smaller community-based rehabilitation centers which could accommodate only 150 or 200.”- Gen. Dionisio Santiago
![]() |
PDEA Chief Dionisio Santiago. Photo: Inquirer |
Nang dahil dyan sa sinabi ni PDEA Chief Santiago, siya ay nasibak sa position kahit na ito ay itinatanggi ng Malacanang. Pero sa Pangulo, sinabi nya na na-offend sya sa sinabi ni Santiago.
Ang tingin ko, hindi sya na excite, yun talaga ang style ng kanyang pagtatrabaho. Kagaya na lang war against drug, nagplano ba sila dyan? Unang araw, tumira na agad sila pero hanapan mo ng mekanismo kung paano iimplement ang war na yan, wala silang maipakita.
Sana lang maging leksyon yan sa administrasyon at ayusin nila ng maige ang kanilang pagtatrabaho kasi pera ng taongbayan ang ginagastos. Kung hindi man yan galing sa pera ng taongbayan, resources pa rin yan na sana ay mas magagamit ng maayos kung may maayos na pagpaplano.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento