Naging
usap-usapan ang pagsakay ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa Metro Rail
Transit (MRT) nitong Huwebes. Marami ang nagsasabi na isa lang itong PR stunt.
Para sa Malacanang, nais daw nilang malaman ang kalagayan ng MRT 3. Sabi ni
Roque, "Importante malaman ng Palasyo ang dahilan kung bakit nandito tayo
ngayon. Bagaman hindi ito rush hour, alam natin na mas komportable ito,
na-i-imagine natin ano ang hirap ng mga mananakay natin na kapag peak hours,
mas mahaba ang pila. Problema, kulang bagon kaya napakahaba ng pila.”
Sinabi
rin ni Roque na hindi raw PR stunt o pa-pogi ang pagsakay nya sa MRT. Si Roque
ay sumakay dakong alas-nuebe ng umaga at pumila ng may 15 minuto para bumili ng
tiket bago sumakay sa bagon. Lumipat din si Roque sa LRT Taft Station hanggang
Central Terminal Station.
Sa
Twitter, marami ang nagsabi na pinaalis ang ibang mga tao sa pila at ang iba ay
hindi pinasakay sa bagon kung saan nanduon si Roque. Sinabi ni @iamsupermil sa kanyang Twitter, “I
dare you to fall in line, wait, until operating hours, and ride the damn MRT
during rush hour, without any hawi boys or whatsoever. Do that. I’d be even
more impressed if you vlog this.”
Sinabi naman ni @abbyabby na hindi naman tunay na naenkwentro
ni Roque ang karanasan sa MRT mula sa pagpila hanggang sa pagsakay dahil sa
pribilihiyeo nito na binigay ng mga opisyal ng MRT. Sinabi nito “…clearly you
didn’t encounter the whole MRT experience, from lining up to alighting the
station. Your privilege allowed you to skip the lines and miss the endurance
test of every Filipino commuters, esp. in peak hours. So don’t say the ride was
‘not that bad’.”
Sinabi naman ni @imnotbeybi kung naranasan kaya ni Roque ang
“maipagtulakan, mahipuan o makaramdam ng takot tulad ng nararamdaman ng
ordinaryong commuters tuwing sasakay ng tren?”
Sa bandang huli, may nangyari nga ba sa pagsakay ni Harry
Roque sa MRT? Nakatulong nga baa ng pagsakay nya sa MRT para maayos ang
serbisyo?
![]() |
Tweet ni @imnotbeybi |
Para sa ating mananakay n MRT, malaking kaabalahan lamang
ang ginawa ni Harry Roque. Hindi naman kailangan sumakay mismo sya sa MRT para
malamanang problema ng MRT. Maraming opisyales na ang sumakay sa MRT, may
nangyari ba? In fact, sila pa ang nagiging dahilan ng paghihirap ng mga tao
dahil sa kaipokritohan ng ating mgaopisyales lalo.
Kung gusto talagang malaman ng mga opisyal ang nangyayaring
problema sa MRT, bakit kailangan kontrolin ang pagsakay at pagpila ng mga tao habang nakasakay ang
opisyal? Pano nya mararanasan ang tunay na nararanasan ng mga tao kung hindi
naman ipaparamdam sa kanila ang tunay na nangyayari.
![]() |
Ganito ang tunay na pila sa MRT kung di sasakay ang opisyal ng gobyerno. Photo: Bernadette Reyes |
Kung gusto talagang makatulong ni Harry Roque, wag na lang
syang sumakay at ang iba pang opisyal ng pamahalaan sa MRT. Ayusin na lamang
nila ang serbisyo ng MRT sa pamamagitan ng kanilang mga posisyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento