Mga Kabuuang Pageview

Sabado, Disyembre 9, 2017

Cool off lang daw muna sabi ni President Duterte

Sinabi ni Duterte na maaaring muling mag-usap ang NDF-CPP-NPA at ang pamahalaan ng Pilipinas. Bagamat minura-mura na ng Pangulo ang mga komunista, mukhang biglang nagbago ang ihip ang hangin at sinasabi ng pangulo na nasa cooling-off period lang daw ang usaping pangkapayapaan.
Hindi ko alam kung matutuwa ako o matatawa sa aksyon ng Pangulo ng Pilipinas na parang pinaglalaruan ang usaping pangkapayapaan. Hindi naman isang relasyon ito na may cool-off muna. Seryosong usapin ang peace talk at sana rin siniseryoso ito ng Pangulo at hindi gumagawa ng padalos dalos na desisyon.
"Let’s give time for cooling off with the rebels.” - President Duterte
Ang mga Filipino ay sawa na sa mga ginagawa ng mga rebelde sa panggugulo sa Pilipinas at marami na rin ang humihiling ng kapayapaan. Sana lang ang parehong party ay magkausap na muli at tapusin na ang insurgency na halos 50 taon na rin na nakikipag-away.

Sabi ng pangulo, pahinga daw muna tayo at nagkakalabuan lang kung kaya sinabi nya na cool-off muna ang pamahalaan ng Pilipinas at ang komunista.

Nakakalungkot lang na sana ito ay isang magandang legacy ng administrasyon Duterte subalit mukhang hindi matutupad dahil lamang sa pabugso-bugsong desisyon ng pangulo. Sabi nga ni Sec. Bello na isang legacy sana ito.

"Sino ang nagsabi na walang pag-asa? Honestly, i'm sad dahil alam ko  naman na ang legacy na iniisip na ibigay ng pangulo sa ating bansa is a just, inclusive, lasting peace.

Tama si Secretary Bello, kung kaya inuulit ko na sana ang Pangulo ay wag pabigla bigla at dapat pinag-iisipan ang lahat ng kanyang desisyon. Ang Pilipinas ay hindi nya pag-aari kundi siya ay nagsisilbi sa sambayang Filipino. Ang bawat kinikilos nya ay may pananagutan sya sa mga Filipino.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Infolinks In Text Ads