Sinabi ni Associate Justice Teresita de Castro na sya ay disappointed ng i-appoint si Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa pinakamataas na position sa Supreme Court. Dalawang taon pa lang daw as Associate Justice si Sereno at para daw sa kanya ang chief justice ay kinakailangan alam ang batas, court procedure, at alam kung paano i-manage ang isang malaking institution kagaya ng Judiciary.
“I fully know that she was just two years as associate justice of the court. I would refrain from commenting how she was as an associate justice. But I think what’s important is that one who was appointed as chief justice must have a full grasp of the law, court procedure, and how to manage a big institution like the judiciary.” Associate Justice Teresita De Castro
Para raw kay De Castro, ang pinakamahalagang quality ng isang Chief Justice ay ang pagiging “trustworthy”.
“The Chief Justice must be someone who’s very turstworthy, because we can’t be forever looking over her shoulder, finding out if she accurately wrote down the decision reached by the court en banc in an executive session without any stenographer being present.” – Associate Justice Teresita De Castro
Kung trustworthiness pala ang isa sa quality ng isang Chief Justice, aba lalo naman hindi katiwa-tiwala ang pagmumukha nitong si Associate Justice de Castro. Ang kapal naman kasi ng mukha nito na makipag dinner pa kasama si dating President Gloria Macapagal-Arroyo.
Si Justice de Castro ay itinalaga ni dating Pangulong Arroyo sa Supreme Court nuong 2007 na sinasabing kabayaran sa kanyang pagpapakulong kay dating Pangulong Erap Estrada.
Alam naman natin na maraming kaso itong si Arroyo at umabot pa sa Supreme Court. Ano nga ba ang decision ni Justice de Castro sa mga kaso ni Arroyo? Lahat po pabor sya para kay Arroyo. Ngayon, Justice De Castro, sino po ang trustworthy sa inyo ni Chief Justice Sereno, ikaw na nakikipag-party sa may kaso sa korte na tao o si Sereno na hindi kailanman gumawa ng ginagawa mo?
Malamang, kasama ka sa mga magkakasabwat para tanggalin si Sereno dahil hindi nyo magawa ang gusto nyong gawin ngayon. Yang pagmumukha mo, hindi katiwa-tiwala, Madam Justice de Castro. Masyado kang sipsip kay Arroyo at malamang siya ang may pakana ng lahat ng ito kasama na rin siempre ang pangulo na madalas na nagsasabi na ipatatanggal niya si Sereno.
Ganito na ba talaga ang pamahalaan ngayon? Inaamin ko mali ang ginawa ni dating Pangulong Aquino ng kanyang manipulahin ang proseso ng impeachment para matanggal sa position si dating Chief Justice Corona at ngayon nga ay inuulit na naman ng mga tutang nasa Kongreso.
Kung hahayaan natin na ang mga pulitikong ito ang gagawin na sisirain ang mga institution ng gobyerno para sa pansariling interest, wala talagang mangyayari sa Pilipinas. Ang nangyayari, ginagamit ng mga ulopong na politiko at mga bias justices ang kanilang mga positions para magsabwatan para sa kanilang sariling interest.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento