Sabado, Disyembre 9, 2017

Mas mura ang interest ng Japan pero bakit China ang inaprubahan?

Sinabi ni Vice President Leni Robredo na imbes na Public-Private Partnership ang ginamit na opsyon ng pamahalaan para sa revival ng Philippine National Railways upang walang gagastusin ang pamahalaan, mas pinili  pa ng government ang mangutang gamit ang Official Development Assistance (ODA).

Ayon kay Vice President Robredo, mas advantageous ang pagpili sa PPP dahil wala ni isang kusing ang gagastusin ang pamahalaan para dito. Ang nakapagtataka pa, ang interest rate ng China ay 2%, samantalang ang Japan ay 0.5%.

Bakit nga ba masyadong pinapaboran ng administrasyon ang China?

Natatandaan nyo pa ba ang NBN-ZTE ni ex-President Gloria Macapagal-Arroyo kung saan ang China ay gumastos sa mga mandarambong at nagbigay ng mga kumisyon?

Para ipaalala sa lahat, nuong June 5, 2006, pumirma ng Memorandum of Understanding ang gobyerno ng Pilipinas at China para magtayo ng Philippines-China Economic partnership. At dahil dito, nuong April 2007, pumasok ang Pilipinas sa isang $329.5 million na kontrata sa ZTE Corporation para sa national broadband network.

Nuong August 29, sa isang privilege speech ni Rep. Carlos Padilla, sinabi nito na ginapang ni COMELEC Chairman Benjamin Abalos ang kontrata na ito.

"Apparently, Chairman Abalos' unofficial trips to China courtesy of ZTE Corporation and his golf games with the officers of ZTE corporation can hardly be characterized as just friendly and totally innocuous. He was a man on a mission. Could the mission be the US $329 million NBN project?"

At alam na natin ang nangyari, nalaman ng sambayanang Filipino na nagka-kumisyonan at overpriced ang NBN ZTE.

Ano kaya sa tingin nyo ngayon bakit pabor ang administrasyong Duterte sa China kumpara sa Japan kahit na ang interest rate ay 2%. Bakit tinanggihan ng Pilipinas ang pautang ng Japan na 0.5 interest rate lang?

Hmmm....amoy patis ata ito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento