Mga Kabuuang Pageview

Linggo, Nobyembre 26, 2017

Bicol Express Muling Ibabalik ng Duterte Administration

Ang Bicol Express ng PNR. Photo: Inquirer

Isang magandang balita ang sinabi ni dating DOTr Undersecretary Cesar Chavez na gagamiting Duterte administration ang P175 bilyon na Overseas Development Aid mula sa cina para muling buhayin ang operasyon ng Philippine National Railway’s Bicol Express. Sa pamamagitan nito, isasaayos ng DOT rang mga riles mula Maynila hanggang Bicol. Mas mapapabilis at ligtas ang pagbibiyahe n gating mga kapatid na Bicolano.

Ayon kay Usec Chaves, ang lahat ng riles, tren, at mga stations ng Bicol ay bago at modern. Ang pagsasaayos  ay magsisimula sa 2018 at inaasahang makukumpleto bago magtapos ang termino ni Pangulong Duterte sa 2022.

Ang bagong Bicol Express ay magkakaroon ng siyam (9) na istasyon sa kahabaan ng anim na raan at walumpu’t tatlong kilometro (683 kms) mula sa Paco sa Maynila hanggang sa bayan ng Matnog, sa lalawigan ng Sorsogon.  Ang bawat istasyon ay naaayon lahat sa international standards kaya hindi na natin makikita ang mga sira-sira at nakakatakot na istasyon gaya ng mga unang panahon ng ito pa ay may operasyon.

Ang ruta ng PNR Bicol Express. Photo: PNR


Ang siyam na istasyon ng Bicol Express na magsisimula sa Paco, Maynila ay ang mga sumusunod: FTI, Los BaƱos sa Laguna, Lucena City, Gumaca na parehong sa Lalawigan ng Quezon, Pili/Naga, Legazpi/Camalig, Sorsogon City at ang Matnog.
Inaasahang magsisimula ang proyekto na ito ng administrasyon sa pangatlong quarter ng 2018.

Ayon kay PNR Chair Roberto Lastimoso, prayoridad ang Bicol express dahil may right of way na.

"Priority will be from Tutuban to Legazpi kasi may right of way na, may linya na." - PNR Chair Roberto Lastimoso

Bukod sa Bicol Express, plano rin ng Duterte administration na magkaroon ng tren hanggang sa Baguio. Nakikipag-ugnayan ang pamahalaan sa Japan tungkol sa planong ito.

Sa ngayon, nakalatag na ang pagpaplano ang iba pang ruta gaya ng Manila-Malolos, Manila-Tarlac, at Manila Subic.

Sa Mindanao naman, ang kauna-unahang Mindanao Railways ay sisimulan din ng Duterte administration.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Infolinks In Text Ads