Inakusahan ni Communist Party of the Philippines founder Jose Maria Sison na sinabotahe raw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks sa pagitan ng mga rebelde at pamahalaan. Pero sino nga ba talaga ang may kasalanan ng pagbagsak ng peace talks? Si Duterte o ang NPA?
Sinasisi ni Joma ang patuloy na pag-tira ni Duterte sa mga nakalipas na insidente kung saan involve ang NPA rebels hanggang isa-publiko ang Proclamation No. 360 na tine-terminate ang negosasyong pang-kapayapaan.
“In the course of his rants, Duterte unwittingly exposed his scarce, shallow and defective knowledge of the peace process.” Joma Sison, NDF Chief Political Consultant.
Sinabi rin ni Sison na dapat daw nag submit si Duterte ng kanyang mga reklamo sa “Joint Monitoring Committee (JMC) sa ilalim ng CARHRIHL o Comprehensive Agreements on Respect for Human Rights and International Human Rights Law na kung saan sila raw sa NDFP ay nagsa-submit ng kanilang mga reklamo sa mga paglabag sa karapatang pantao na ginagawa ng mga pulis at ng mga sundalo.
Ginagawa nga kaya ng NDF-NPA ang pagreklamo sa tama? Kung ganon bakit naman patuloy pa rin ang ginagawang pag-ambush ng mga NPA?
Nuon lamang Nobyembre 9, umatake ang NPA at in-ambush ang isang police vehicle sa Tikalaan, Talakag Town, Bukidnon kung saan nadamay ang isang apat na buwan na sanggol at namatay. Ilang araw lang nang-ambush na naman ang mga NPA at tinira ang 4th mechanized infantry battalion sa Misamis Oriental.
Bago ang dalawang ambush na nangyari sa Bukidnon at Misamis Oriental, inambush rin ng NPA ang isang pulis sa Monreal, Masbate Province.
Nuong August, umamin ang NPA sa pag ambush sa Guilhulngan City Police Station kung saan anim na pulis ang namatay.
Nang dahil sa patuloy na paglabag ng NPA sa usapang pang-kapayapaan, hindi mo rin masisisi si Pangulong Duterte sa paghinto nito sa pakikipag-usap sa mga komunistang rebelde. Kung sinsero ang mga komunista sa pagkakaroon ng kapayapaan sa Pilipinas, dapat lamang na hindi sila gumagawa ng pag-ambush o anumang pag-labag sa karapatang pantao habang mayroong pag-uusap na nagaganap, may ceasefire man o wala.
Malinaw ang sinabi ng Pangulo, kailangan ng seryosong sinseridad sa parte ng mga komunistang rebelde.
Malinaw ang sinabi ng Pangulo, kailangan ng seryosong sinseridad sa parte ng mga komunistang rebelde.
“sincerity and commitment in pursuing genuine and meaningful peace negotiations as it engaged on acts of violence and hostilities, endangering the lives and properties of innocent people.” - Pangulong Duterte
Sa bandang huli, komunistang rebelde mismo ang may kasalanan kung bakit hininto ng Pangulo ang peace negotiation at hindi dapat isisi ni Joma Sison kay Pangulong Duterte dahil ang tunay na nagsasabotahe ng usapang pangkapayapaan ay ang rebeldeng NPA mismo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento