Bilang isang OFW, lahat tayo ay naghahangad na isang araw uuwi tayo na may magandang trabaho at maayos na sweldo upang tayo ay makapamuhay kasama an gating mga pamilya. Ang pangingibang bansa ay napakalungkot at mahirap ang malayo sa pamilya kahit na meron ng technology na nagpapabilis na ng komunikasyon.
Isang magandang balita naman ang programa ng isang recruitment firm na base sa London ang tumutulong ssa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na umuwi sa Pilipinas at magma-match ng kanilang skills sa mga oportunidad na trabaho sa Pilipinas.
Ang “Balik Bayan” na programa ng Robert Walters Philippines ay tumutulong sa mga OFWs mula London, Singapore, at Indonesia.
“More and more employers are looking for local talents who have an international exposure and this is a good time for overseas Filipino with the right skills and international experience to return home to work.” – Eric Mary, Robert Walters Philippines Country Manager
Sinabi pa ng Robert Walters Philippines na halos 60 porsyento na mga OFW professionals ang nagsabi sa kanilang mga panayam na handa silang umuwi sa Pilipinas kung magkakaroon ng magandang oportunidad at tamang pasweldo.
“There is the right company, there is the right professional perspective, there’s a quite attractive salary as well, the best option is to come back.” – Erick Mary
Marami na ang mga OFWs na umuwi at matagumpay na nabigyan ng panibagong oportunidad para makapagsimula na muli sa Pilipinas kasama ang kanilang mga mahal sa buhay at manirahan ng may panatag na kalooban sa Pilipinas.
Para sa mga detalye, bumisita sa kanilang website sa www
robertwalters.com.ph.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento