Mahirap ang maging isang Pangulo kaya nga ako ay nagtataka at
marami pa rin ang gustong maging Pangulo. Mas lalong mahirap kung ang mamamayan
ay hindi pa tumutulong sa Pangulo. Alam ko na lahat tayo ay naghahangad ng
isang magandang bansa. Ngunit makakamit lang natin yan kung tayong lahat ay magkakaisa
sa iisang layunin, ang paunlarin at pagyamanin ang ating bansa.
Nakakalungkot lang na makalipas
ang halos dalawang taon matapos ang election, hating-hati pa rin ang mga
Filipino. Hindi ba dapat matapos ang eleksyon, nagkakaisa na tayo at nagtutulungan?
Alam ko at nakikita ko ang
pagkukulang ng Pangulo at inaamin ko na hindi ko rin nagugustuhan ang kanyang
mga pananalita. Ngunit hindi na natin mababago yan, ibinoto sya ng karamihan na
Filipino bilang ganyan umasta. Kung ipagpipilitan natin na baguhin sya dahil
yun ang gusto natin, malabong mangyari yun, kasi natalo kandidato natin.
Panahon na para mag move-on.
Sa mga patayan na nangyayari,
alam ko at nakikita ko na maraming patayan. Sinabi ng Pangulo na hindi
state-sponsored ang nangyayaring patayan. iniimbestigahan na rin ng Internal
Affairs Service ng PNP ang mga involved na mga pulis. Hayaan natin na sila ang
kumilos. Kung sa bandang huli at mapatunayan na ang Pangulo nga ang may
kasalanan ng nangyayaring patayan, pwede naman syang managot pagkatapos ng
termino nya. Sa ngayon, ayon sa SWS at Pulse Asia, suportado ng karamihan ng
Filipino ang kanyang programa laban sa droga.
Alam ko na gusto natin ng
tamang proseso ng pagpapatupad ng mga programa. Sa ngayon ay diniringgin ng
Supreme Court ang kauna-unahang kaso laban sa War on Drigs at hintayin natin
ang magiging desisyon ng SC dito at anuman ang maging desisyon nito ay
nakasisiguro ako na ito ay para sa ikakabuti ng programang ito.
Kaya sa mga sumusunod sa
Facebook page na ito na alam ko maraming mga anti-Duterte at nagsipag-alisan
dahil ayaw sumuporta sa mga programa ng pamahalaan, maraming salamat po.
Nauunawaan ko kayo. Ngunit wag na natin panatilihin ang galit sa puso natin.
Sa mga nananatili naman, ang
Facebook Page na ito ay bukas sa inyong lahat para ilabas ang inyong mga
saluobin. Walang magba-ban o magbabawal sa inyong magsalita at sabihin ang
gusto nyong iparating. Yan ay karapatan na binibigay sa atin ng Saligang Batas.
Isaalang-alanglang natin na sa bawat karapatan may kaakibat na responsibilidad,
obligasyon, at accountabilities.
Ang Facebook page na ito ay
magiging patas sa administrasyon ng Pangulo at magiging patas sa mga
tumutuligsa sa Pangulo. Hindi tayo maglalabas ng mga fake news para lamang
dumami ang ating Facebook Likers. Ang hangad natin dito ay maiparating sa lahat
ng Filipino ang programa ng pamahalaan upang ng sa gayon makuha at maibalik ang
suporta ng sambayanang Filipino sa pamahalaan.
Nais ko na sa pamamagitang ng
Facebook Page na ito, magkakaisa tayo, anti man o pro, para sa iisang layunin,
ang pag-isahin ang nagkakawatak watak ng Filipino at tulong tulong na itaguyod
ang programa ng pamahalaan para sa ikauunlad ng ating bansa.
Kung magkakaisa lang ang mga
Filipino magiging maganda at maunlad ang bansang Pilipinas.
Mabuhay ang Pilipinas!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento