Mga Kabuuang Pageview

Miyerkules, Nobyembre 29, 2017

Pangulong Duterte, Tapusin mo Termino Mo. - Sen. Grace Poe


Kaugnay ng pagsabi ni Pangulong Duterte na siya ay bibitiw sa pwesto sakaling magkaroon ng isang tunay na para sa bayan na Constitution, sinabi ni Senadora Grace Poe kay Pangulong Duterte bilang payong kaibigan na huwag siyang bababa at tapusin nya ang kanyang termino.

Nitong Martes sinabi ni Pangulong Duterte na gusto nyang maging Pangulo si Senadora Grace Poe ngunit mangyayari lamang yan kung babaguhin ang Saligang Batas na kumikilala sa foundling o pulot bilang natural-born Filipino. Matatandaan na meron ng desisyon ang Supreme Court sa usaping ito, baguhin man ang Saligang Batas o hindi na kumikilala sa mga foundlings bilang isang natural-born Filipino.

“Unang-una ako ay nagpapasalamat sa tiwala n gating Pangulo. Malaking bagay yan personally at politically at salamat sa pagpapahalaga sa mga foundlings. Pero ang ating Pangulo ang pinili n gating mga kababayan at dapat tapusin nya ang kanyang termino.” – Sen. Grace Poe
Sinabi din ni Senador Grace Poe na naniniwala sya na dapat tapusin ni Pres. Duterte ang kanyang termino dahil ang boto ng mga Filipino ay isang sagradong bagay.

“Basta ako kasi naniniwala ako na sagrado ang boto ng ating mga kababayan. So kung ikaw ay itinalaga ng anim na taon, dapat talaga na tapusin mo yung termino na yun.” – Sen. Grace Poe
Ayon kay Sen. Poe, kung kailangan talaga na magkaroon ng Charter Change, kailangan wag padalos-dalos sa pagdedesisyon. Hindi rin aniya dapat gamitin na dahilan ang issue ng pagiging foundling nya para baguhin ang Saligang Batas dahil ito ay nadesisyonan na ng Supreme Court.

Sinabi ng Pangulo na naniniwala pa rin sya na mali ang naging desisyon ng Supreme Court bagamat ginagalang nya ito. Pero sinabi ng pangulo na kailangan amyendahan ang Saligang Batas at magkaroon ng exemption para lalong maging qualified ang mga foundlings na tumakbo sa national elections. Iyon daw ang mag aalis sa pagdududa ng taongbayan para lubos na maka takbo sa halalan ang mga foundlings.

“Pagdating sa mga ampon na katulad ko at mga foundlings, sa tingin ko naman malinaw na ang nagging decision ng Korte Suprema. Ako’y nagpapasalamat ditto na mismo na rin an gating Pangulo ay iginagalang ito.” – Sen. Poe

Sana ang lahat ng pulitiko ay kagaya ni Senadora Grace Poe na marunong rumespeto sa kasagraduhan ng boto ng taongbayan.  Darating din naman ang araw nya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Infolinks In Text Ads