Mga Kabuuang Pageview

Miyerkules, Nobyembre 29, 2017

Patayin Nyo mga NPA, Utos ni Pangulong Duterte


Sinabi ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte na inutusan nya ang kanyang mga security forces na bariling ang mga komunistang rebelde na may dalang armas. Sinari niya na sya ay maglalabas ng Executive Order na idinedeklarang mga terorista ang New People’s Army, ang armed wing ng Communisty Party of the Philippines.
Muli na naman lumabas ang maaanghang na salita ng Pangulo sa kanyang talumpati labang sa mga Komunista kasabay ng send-off ceremony para sa limang Vietnamese fishermen sa Pangasinan. Inalala ulit ng Pangulo ang mga ginagawang pag-ambush ng mga NPA laban sa mga pul at sundalo at ang pangingikil nito ng pera sa mga Filipino.

“So what will be my orders to the - -? ‘Di shot them, Eh they will kill you anyway. So if there is an armed NPA there or terrorists, if he’s holding any firearms, shot. And tell any…ako na ang magsagot, you just shut up.”- Pangulong Duterte

Kung sakali naman daw magrerklamo ang human rights groups, sabihin lang daw nila na pumunta kay Duterte at siya ang nag-utos nito.

“Do not answer if that issue of human rights, you say, ‘Go to Duterte. It is an was his order.’ Para tumahimik ka, sabihin mo. And so? You are destroying my country, you expect me to pat you in the back and say, ‘Dahan-dahan ka lang?” – Pangulong Duterte

Sa ipapalabas na Executive Order ng Pangulo kung saan ituturing ng terorista ang mga NPA, ang magiging pagkilos na ng NPA ay matitutring na rin na criminal act.

Sa isang banda, pinakita naman ng pangulo ang kalambutan ng puso sa pagsabing sa mga pinalaya na mga NPA, hindi na sila aarestuhin pa muli dahil sa kanilang mga edad. 
Matatandaan na ilan na rin ang mga pinalaya ng Pangulo nitong mga nakaraan kasunod ng usapang pangkapayapaan.

“For one, those who were 70 like me, parrang ako na ang napapagod para sa kanila. Although leaders, sabi ko, ‘you can go.’ Anyway, they cannot go far. They cannot climb those mountains there. You will find them in…sa mga ospital o sa kwarto yan nagpapahinga na.” – Pangulong Duterte

Muling sinabi ng Pangulo na ang kanya lamang hangad ay magkaroon ng tunay na kapayapaan sa Pilipinas at matigil na ang digmaan. Ngunit kung ipagpapatuloy ng mga NPA ang gusto nila, ibibigay daw ng Pangulo ang kanilang kahilingan. Higit limampung taon na raw tayo nakikipag digmaan sa kanila at gusto pa rin nila ng panibagong limampung taon.

Napapanahon na rin na tapusin na talaga itong mga NPA para maging mapayapa na ang bansang Pilipinas.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Infolinks In Text Ads