Sinabi ko dito sa mga una kong posts na hindi ginawa ang page na ito upang batikusin ang Pangulo. Ngunit, ang kumakalat na panawagan para magdeklara ang Pangulo ng isang revolutionary government ay dapat na tutulan.
Pinanuod ko ang video ni Assistant Secretary Epimaco Densing ng Department of the Interior and Local Government na kung saan sinusuportahan niya at pinapanawagan niya na suportahan na magproklama ang Pangulo ng isang revolutionary government.
Hindi ito maaari sa maraming kadahilanan. Una, walang legal na basehan para magdeklara ng isang revolutionary government. Pangalawa, ang lahat ng sangay ng pamahalaan ay kumikilos ng maayos. Pangatlo, ang layunin na sinasabi ni Epimaco Densing ay maaaring gawin ng Kongreso na kung saan ang "super majority" ay hawak hawak ng administrasyon. Pang-apat, ayaw na nating ibalik ang nakaraan na kung saan nalasing sa kapangyarihan ang isang dating pangulo at naging isang diktador.
Ano nga ba ang legal na basehan ng pinapanawagang revolutionary government ni Assistant Secretary Densing? Wala. Kahit saang batas sa Pilipinas walang nagsasabi na pwedeng magdeklara ng isang revolutionary government ang sinumang presidente. Mangyayari lamang yan kung merong tunay na revolution na mangyayari kung saan pinapatalsik ang isang pangulo at uupo ang bagong pangulo. Maaari bang patalsikin si President Duterte at tapos hilingin na i-upo si President Duterte? Hindi ba kahangalan naman yun? Sumisigaw ka na "Patalsikin si Duterte!" at matapos mo mapatalsik, sisigaw ka naman ng "Paupuin si Duterte at magdeklara ng revolutionary government!" Kaya hindi maaaring magdeklara ng revolutionary government.
Pangalawa, ang mga sangay ba ng pamahalaan ay hindi na operational kung kaya kailangan ng magdeklara ng isang revolutionary government? Sa nakikita natin, maayos na kumikilos ang ating mga sangay ng pamahalaan at hawak pa ng administrasyon ang Kongreso at parang ganun na rin sa Judiciary dahil nakukuha nito ang gusto nito lalo na at halos lahat ng desisyon ng mga in-appoint ni Pangulo ay sumasang-ayon sa kanya lagi.
Ang sinasabi ni Densing na mas mapapabilis ang pag sasaayos ng Pilipinas kung revolutionary government ay isa lamang assumption. Fallacy! Ang lahat ng sinasabi niya ay ginagawa na ng Kongreso at may mga naka pending na bills at yun ang dapat nya tutukan hindi ang maghikayat ng isang revolutionary government.
Panghuli, nangyari na ito nuong nakaraan kasaysayan at ayaw na muli nating mangyari pa. Hindi natin dapat bigyan ng isang napakalaking kapangyarihan ang iisa lamang tao para gawin nya ang gusto nya. Natuto na tayo at dapat tutulan ang anumang pagkilos na gagawin para magkaroon ng isang revolutionary government.
Panuorin ang video ni Asec Densing:
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento