Hindi ba dapat ang Kalihim ng Katarungan ay isang responsableng abogado at fair and just. Mukhang kabaligtaran itong si Secretary Vitaliano Aguirre. Ilang beses na nga bang naglabas ito ng ebidensya na sa huli ay napatunayang peke? Bakit hindi ito napapanagot sa kanyang mga pagkakamali. Ganon na lang ba kakapal ang mukha ng mga government officials natin na parang balewala lang ang mga sinasabi nila? Lalo na si Aguirre dahil ang position nya ay dapat patas ang kanyang pagtingin.
Ang bagong fake news, naglabas si Aguirre ng “whistleblower” daw na nagdadawit sa bayaw ni dating Pangulo Benigno Aquino, Jr. Ngunit, napag-alaman na ang pirma pala ni Mr. Eldon Cruz na bayaw ni PNoy ay peke. Napakalayo ng pirma nito sa tunay na pirma sa kanyang passport base sa picture sa ibaba:
![]() |
Ang sulat at pirma na prinesenta ni Sec. Aguirre. Photo: GMA News |
![]() |
Ang tunay na pirma ni Eldon Cruz na malayo sa prinesenta ni Sec. Aguirre |
Sa panayam ng GMA News sinabi ni Jiggy Cruz, anak ni Eldon Cruz, na peke ang pirma ng kanyang ama. (READ: Son says signature in P8.7-B right-of-way scam case not Eldon Cruz’s)
"To tag my father in this 'scam' is absurd and ridiculous. The letter shown today at the DOJ (Department of Justice) shows a fake signature. That's not his signature. It is not even remotely close to it. We live in a time of lies and fake news and I can't believe it's reached this point. It's just totally ridiculous." Jiggy Cruz
Matatandaan na hindi ito ang unang naglabas ng mga pekeng ebidensya si Sec. Aguirre. Nauna na dito ay ang sinasabi ni Aguirre na Korean mafia na agad namang itinanggi ng Korean Embassy sa Pilipinas. (Read: Korean embassy rejects Aguirre's claims on Korean mafia)
Hindi pa natapos dyan, may sumunod pa.
Nuong February 2017, pinangalanan nya si former Sen. Jamby Madrigal na nanuhol ng P100 Million peso para umurong sa pagtestimonya ang mga high-profile inmates laban kay Senator Leila de Lima. Sinabi ni Aguirre na inalok ng grupo ni Madrigal kasama si Laguna Representative Marlyn Alonte-Naguit at Atty. Alvin Herrera na agad naman itinanggi ng mga ito. (READ: Aguirre tags Jamby, Laguna Congreswoman in P100M Bribe Try.)
“Inalok po nila yung walong iyan (na nag-witness against De Lima) for P100 Million bata gawin nila yun pagbawi, yun retraction ng mga salaysay nila laban kay De Lima before bukas February 25 which is the EDSA Anniversary.”- Sec. Aguirre
Nag-demand ng apology si Jamby Madrigal kay Sec. Aguirre pero mukhang wala yatang natanggap na apology ito.
Hindi pa rin nadala itong si Secretary Aguirre, humirit ulit ito nuong June 2017 kung saan pinaratangan nya na nag-pulong pulong ang opposition sa Marawi bago magkaroon ng kaguluhan duon. Pinakita pa ni Aguirre ang pictures kasama sila Sen. Bam Aquino. Sa bandang huli, ang mga pictures pala na iyon ay kuha pa nuong 2015 ssa Iloilo Airport at ito ay nakapost sa Facebook ni Zamboanga Vice Governor Ace Cerilles. (READ: Aguirre: Minority senators meet with Marawi leaders could have sparked sige)
Kahit buking na itong si Aguirre na peke ang buhok nya, este ang kanyang balita, pinandigan pa rin nya yun. Walang kahihiyan! At ngayon nga, bagong hirit na naman nya isa na naman peke.
Sa dami-dami ng sinabi ni Aguirre na puro fake news, hindi ba nararapat lang tawagin syang Fake News King? Kahit itinatanggi niyang siya ay hindi Fake News King, malinaw naman ang mga pinagsasabi nya at di maipagkakaila na maraming beses na sya nagkalat ng fake news.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento