"Walang ibang presidente, dalawa lang, ang nakapagbigay ng atensyon na kinakailangan para sa isang sundalo. Ako lang pati si Marcos. Marcos was also a lover of soldiers," - Duterte said in his speech in Camp Teodulfo Bautista in Joso, SuluAno naman nagawa ni PNoy nuong sya ay naging Pangulo? Ayon sa pagsasaliksik, siya pala ang pangulo na nag issue ng Administrative Order para magkaroon ng housing projects para sa mga sundalo.
![]() |
PNoy signs AO creating housing project for soldiers, police. Photo: Screenshot from GMA News |
Nuon naman July 2011, binigay ni PNoy ang susi sa unang batch ng mga pulis at sundalo na nabigyan ng pabahay na ikinatuwa ng mga ito at natupad ang kanilang mga pangarap na magkabahay.
Una pa lang yata yan na binigay ni PNoy sa mga sundalo at pulis. Marami rami rin ang naging kasunod. Naging Sta. Claus din siya sa mga sundalo sa isang Christmas party at namigay sa mga ito ng regalo kasama ang PAGCOR.
![]() |
PNoy joins PAGCOR in spreading Christmas cheers to wounded soldiers. |
Si Pnoy rin pala ang dahilan ng pagtaas ng subsistence allowance ng mga sundalo.
Para sa AFP modernization, gumastos ang administration ni PNoy ng humigit kumulong 1.8B. Marami rami rin ang nabili ng nakaraang administration para sa military, kagaya ng mga sumusunod:
- Tatlong Frigates nuong 2011,2013 at 2015
- Tatlong Mk2 Multi-purpose attack crafts nuong 2012T
- Tatlong oil tanker
- Limang AW109 Multi Role Helicopters nuong 2015
- 2 strategic Sealift Vessels nuong 2016
- 5 Landing craft Heavy Vessels nuong 2016
- 1 Landing Craft Utility Vessels
- 1 Oceanographic Research Vessel
- 3 MK3 Multipurpose Attack Crafts
- 18 SF 260FH Aircraft nuong 2011
- 3 C-295 M Mediun Lift Aircraft nuong 2016
- 2 C212i Light Lift Aircraft
- 8 Aw109 Light Attack Helicopters nuong 2015
- 12 FA-50 Advanced Jet Trainers Aircraft
- 2 C130 Heavy Lift Aircraft
- 7 UHI Transport Helicopters
- 3 ELM 2288 Air Surveillance Radars
- 100 M69 81mm Mortars nuong 2013
- 30 HUMVEE Ambulances nuong 2015
- 44,186 M4 Assault Rifles nuong 2014
- 28 M113 Heavily Armed Armored Vehicles
- 114 M113 Transport Armored Vehicles nuong 2016
- 332 Km450 Trucks nuong 2016
- 10 KM451 Ambulances nuong 2016
- 4,464 Night vision devices
- 8 KAAV7 Amphibious assault vehicle
- 6443 M4 Assault Rifles.
Tandaan natin, pulitiko pa rin ang Pangulo at ang laro nya ay pulitika. Ang sa akin lang, hindi tayo dapat magkawatak watak dahil lamang sinabi ni ganyan o ni ganito ang ganyan. May sarili tayong mga isip para mag research ng katotohanan. Libre ang Google kaya kung maaari, mag research tayo bago maniwala sa sinasabi ng bawat pulitiko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento