Sa mga nagsasabi dyan kung ano ang nagawa ko sa bansang ito. Una, hindi ako ambisyosong politician para ipaalam ang aking mga ginawa, nagawa at gagawin pa para sa ATING bansa.
Pangalawa, sa mga nagsasabi na kumandidato na lang ako. Hindi ko kailangan kumandidato at ipagyabang ang mga nagawa ko para makapagsilbi sa bayan.
Pangatlo, walang pumipigil sa inyo na iboto sinuman ang gusto nyo,si Moca Uson man o ang magbobote sa kanto. Pareho silang may karapatang kumandidato at lahat tayo may karapatang iboto sila o wag iboto. Malaya at may demokrasya sa bansang ito. Nirerespeto ko ang desisyon nyo na iboto si Mocha Uson o sinuman dahil kapangyarihan nyo yun bilang Pilipino.
Isa lang hihilingin ko sa inyo, respetuhin nyo rin sana ang desisyon ng mga tao na ayaw kay Mocha Uson. Hindi ito tungkol sa inyo at lalong hindi ito tungkol sa akin o sinuman against kay Mocha. Ito ay tungkol sa bayan. Kung ang inyong pananaw ay malaki maitutulong ni Mocha Uson sa paggawa ng ating mga batas, you have all the right to vote for her. Walang pumipigil at nirerespeto ng Page na ito ang inyong pagpapasya.
Ang bansang ito ay magiging mapayapa lamang kung ang bawat isa ay rumerespeto ng kanya kanyang opinion kahit kakaiba sa inyong opinion.
Kung sa tungin naman ninyo ay sa masama ang aking ginagawa, malaya kayong mag unlike sa page na ito.Kung rumerespeto naman kayo ng ibang pananaw, salamat at malaya kang manatili dito.
Pwede tayong magkaisa kahit magkaiba ang pananaw dahil iisa ang ating adhikain....ang para sa bayan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento