Huwebes, Disyembre 7, 2017

Denial King! Pangulong Duterte hindi raw humingi ng emergency power sa Congress para sa traffic


Yung totoo, Mr. President, nag-uulyanin na ba kayo at nakakalimutan nyo na ang mga sinasabi nyo? Una yun pangako nyo na 3-6 months pag di nyo natanggal ang droga, magreresign kayo. Pero higit isang taon na, nalimutan nyo na ang sinabi nyo. Ngayon naman, sinasabi nyo na hindi kayo humihingi sa Kongreso ng emergency power para sa traffic.

"You hear me something like, "I'm asking this power to expedite the traffic." Wala kayong narinig. It was the councilors maybe Transportation Secretary Arthur Tugade because that was what he needs to do the right thing. Pero wala kayong narinig sa akin." - President Duterte.

Talaga lang, Mr. President? Eh sino po ba yung nagsalita sa harapan ng Kongreso nyong July 25, 2016? Si Tugade ba yun? Ano nga ba ang sinabi mo sa SONA nuon?

"To address lack of road infrastructure in Metro Manila, usage of existing roads will be maximized. Thus, there is a need to cooperate and coordinate with LGUs to map out secondary routes and to consult various stakeholders, including the public transport operators.

"Many in government opine realistically, and I would have to agree, that the worsening traffic situation could be logically addressed, if Congress would also accord emergency powers to the agencies concerned."

Ang linaw na nanghingi ka ng emergency powers para sa trapiko di ba? Tapos ngayon itinatanggi mo na sa simula pa hindi ka nagsasabi?

Yung totoo, Mr. President, kaya pa ba?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento