Biyernes, Disyembre 8, 2017

Paghihiganti ni Speaker Alvarez ang dahilan ng impeachment ni Chief Justice Sereno


Si Chief Justice Maria Lourdes PA Sereno ay dati ng tumestigo laban kay Speaker Pantaleon Alvarez sa kaso nito sa PIATCO. At ngayon nga na siya ay isa ng Speaker, binubuhos ni Alvarez ang kanyang kapangyarihan at ginagamit ang posisyon nya para lang makapaghiganti laban kay Chief Justice Sereno.

Paano ko nasabi? Ang Speaker ng House of Representatives bilang imbestigador sa impeachment complaint na inihain ni Atty. Larry Gadon ay dapat na hindi bias o impartial dapat. Pero sa mga pronouncements ni Alvarez, mukhang ang gusto nya talagang palabasin ay may kasalanan si Sereno. Hindi ba dapat ang isang imbestigador ang trabaho nya ay alamin ang katotohanan? Pero sa kaso ni Sereno ang gusto ni Alvarez, hanapin ang pagkakamali, by hook or by crook, para matanggal si Sereno.

Ano ba ang pinangangalandakan ngayon ni Alvarez? Na meron daw probable cause para impeach si Sereno. Kaya nga ang kampo ni Sereno ay nagsasabing alam na nila na i-impeach talaga siya ng House of Representatives sa pangunguna at paggamit ni Alvarez ng kanyang posisyon.


"The statement of Speaker Alvarez only validates his strong desire to have the Chief Justice ousted," - Atty. Aldwin Salumbides, Sereno's lawyer.
Sa huling hearing ng impeachment committee, pinagtutuunan ng pansin ng mga tutang congressmen ang delay ng pagbigay ng survivorship payment sa mga asawa ng namatay na judges and justices kahit na ito ay hindi naman "culpable violation of the Constitution." 

Malinaw naman ang sinasabi ng mga staff ng Supreme Court ang problema lang hindi maintindihan ng mga tutang Congressmen kasi ang focus nila ay maghanap ng butas. 

Sabi ng mga tuta, bakit nuong panahon na si Atty. Midas Marquez (alam natin kasama ito sa mga nag-uusap para tanggalin si Sereno) 2-3 weeks lang daw lumalabas na ang request for survivorship payment. Pero hindi nila pinansin ang sinasabi ng mga staff ng Supreme Court na mismong Office of the Court Administrator ang humingi ng guidance tungkol sa pagbabayad ng survivorship benefits.

Naniniwala ako, kagaya ni Atty. Salumbides, na walang kasalanan at walang nilabag sa Constitution si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.


"As far as her legal team is concerned, no single piece of evidence —either documentary or testimonial — has been presented to prove that an offense was committed; no incident will warrant her removal from office,” Atty. Salumbides.
Nakakatawa na nga lang si Representative Umali sa pagsabi niya, na "nangangapa tayo sa dilim". Natural mangangapa kayo sa dilim kasi in-entertain nyo ang mga alegasyon ni Gadon na wala naman syang personal knowledge at puro hearsay. Kayo at ang buong Kongreso ang nagmukhang katawa tawa at isang malaking kulungan ng mga tuta.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento