Sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na wag raw mabahala si Vice President Leni Robredo sa panawagan na revolutionary government dahil sinabi naman daw ng Pangulo na gagawin lamang ito kung lupaypay na ang gobyerno, at naghihingalo na, bagay na hindi naman nangyayari sa gobyerno sa ngayon.
“With all due respect to the Vice President, I do not see what is alarming because the President has time and again said that he will only resort to revolutionary government kapag supposed, ‘no, kapag lupaypay na iyong gobyerno, ‘pag naghihingalo na iyong gobyerno, ‘no? And of course hindi naman ganyan ang nangyayari sa gobyerno ngayon.” – Presidential Spokesperson Harry Roque
Nabahala kasi dito sa mga panawagang revolutionary government si Vice President Leni Robredo. At sino ba naman ang hindi mababahala na bigla bigla magsisipagpanawagan ang mga pro-Duterte supporters para magdeklara ng revolutionary government.
“Nakakabahala ito, kasi…kapag sinabi kasing revolutionary government, gusto mong isantabi iyong Konstitusyon. Ito, ano ito, laban ito sa mga existing na batas, kaya nakakabahala na.”
Kung hindi naman pala ganyan ang situation ng gobyerno, bakit inilutang ni Pangulong Duterte ang usaping revolutionary government at bakit mukhang ginastusan ng pamahalaan ang mga rally na panawagan na magproklama ng revolutionary government ang Pangulo?
Pano ko nasabing ginastusan? Tingnan na lang natin ang rally na isinagawa. Meron pa nagpa-mudmod ng mga pack lunch at mukhang libre pa ang t-shirts.
Tama ang tanong ni Vice President Robredo, hindi ba illegal ang magtawag ng rebelyon? Ang pagsali at panawagan ng isang revolutionary government ay paghikayat na magrebelde. Pano mo masasabi na revolution kung walang rebelde, di ba?
Sabi pa ni Roque, tapusin na raw ang usaping revolutionary government. Move on na raw. Pero pano nga ba makakapag move on kung mismong mga tauhan ng gobyerno at opisyales nito ang nananawagan ng revolutionary government? Mismong Pangulo ang nag-palutang ng idea ng revolutionary government.
Sa susunod mas mabuti siguro, i-advise mo ang Pangulo, Mr. Harry Roque na umayos ng mga sinasabi para hindi nakakagulo at nagiging dahilan ng pagkakawatak watak ngmga Filipino. Hindi nyo pa ba napapansin na kayo mismo ang nagiging dahilan para hindi magkaisa ang mga Filipino. Kayo ang mga nakaupo at kayo ang dapat manguna para pag-isahin ang mga Filipino. Hindi ba dapat nyong kastiguhin ang mga government officials na nangunguna pa para manawagan ng revolutionary government? Mukhang gamit pa nila ang oras ng pamahalaan para sumama sa rally na malinaw na labag sa Civil Service Law, Rules and Regulations.
Wag naman kayong bulag-bulagan kapag kakampi ng administrasyon. Parusahan ang dapat parusahan na lumalabag sa mga regulasyon at sabihan ang mga opisyales na ito na itigil na ang pag-papanawagan na revolutionary government. Sa kanila mo sabihin yan Mr. Roque.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento