Alam
ko marami na naman magagalit sa post ko na ito at mag-unlike sa Facebook page
na ito. Inuulit ko, kahit 100 na lang ang natitira sa Facebook page na ito,
susulat ako kung ano ang tama para maimulat ang mga taong nabubulagan sa
pagiging panatisismo at maging mapagmasid sa mga ginagawa ng opisyal ng
pamahalaan upang hindi tayo maabuso.
Ang
paulit ulit na pangako ay hindi mo na papaniwalaan kung ito ay hindi naman
natutupad. Ilang beses na rin nangako ang pangulo na siya ay magre-resign
ngunit kapag natapos na ang tinakdang araw, ito ay nag-eextend.
Matatandaan
na nuong eleksyon, nangako ang pangulo na sya ay magreresign sakaling hindi nya
matigil ang paglaganap ng drogo sa loob lamang ng 3 hanggang 6 na buwan. Hindi
natupad ng pangulo ang kanyang ipinangako na ititigil ang droga at kriminalidad
sa loob ng 3 hanggang 6 na buwan. (Read: Duterte
vows end criminality in 3 months)
“If elected president, give me about three to six months, I will get rid of corruption, drugs and criminality. If I fail in three months, better leave the country or I will step down ” -President Duterte
Imbes
na mag-resign gaya ng kanyang ipinangako nuong sya ay nangampanya, si Pangulong
Duterte ay humiling ng 6 na buwan na extension. Sinabi niya na hindi nya
inakala na napakarami na ang nalulong sa droga bagamat nuong kampanya paulit
ulit nyang sinasabi na may 3 million drug users sa Pilipinas. (Read: Duterte
seeks 6-month extension on war on drugs deadline)
“Just give me a little extension of maybe another 6 months. I didn’t have any idea that there were hundreds of thousands of people already in the drug business.” - Duterte
Nangako rin ang pangulo na magreresign sakaling may makitang bilyong piso sa kanyang bangko bagamat ayaw naman niyang pumirma ng waiver para mapatunayang wala nga siyang itinatagong yaman. Lusot nga naman at hindi sya mapagreresign kasi hindi mabuksan ang kanyang bangko.
Nito
lamang kamakailan, nagsabi na naman ang pangulo sa kanyang talumpati na siya ay
bababa sa pwesto kapag hindi niya natanggal ang problema sa droga. (Read: Bababa
talaga ako, if I cannot control drugs, then maybe it is time for me to think about
resignation.)
“When I see you destroy my country, you not only destroy the young people with drugs but you totally would like to obliterate the Filipino people. I cannot accept. And if I cannot control drugs, then maybe it is time for me to think about resignation. Kapag hindi ko kaya ito, bababa talaga ako,” Duterte
Tungkol naman sa pagbabago ng Constitution, nangako na naman ang pangulo na siya ay magreresign kapag napalitan na ang Saligang Batas sa ilalim ng kanyang termino. (Read: Duterte:
I’ll resign when Constitution is ‘crafted to improve everything’)
Ano
ang punto ng isinusulat ko na ito? Ang punto dito, wag mo pangakuan ang
taongbayan kung sa tingin mo ay hindi mo magagawa. Hindi naman kailangan
mangako na mag-resign o bumaba sa pwesto para lang gawin ang tamang trabaho sa
pamamahala. Kahit abutin pa ng buong termino basta ginagawa ng tama ang trabaho
walang problema sa sambayanang Filipino. Sawa na rin naman ang mga Pinoy sa
pangako ng mga politicians na hindi tinutupad. Kaya, Mr. President, tama na ang
kakasabi na magreresign kayo dahil lumalabas lang na parang walang laman ang
inyong pangako. Just do your job, at handa kaming mga Filipino na sumuporta
para sa ikabubuti ng bansang Pilipinas.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento